Ano ang bumubuo sa isang litrato? Ang mga imahe na ninanakaw sa bawat pagkakataon na maaaring hindi na muling maulit, ang bawat alaala at istorya na ikinukulong kasabay ng paghigop ng ilaw ng camera. Ang bawat larawan ay may taglay na kapangyarihan, maaaring sa tumitingin o sa taong kumuha o lumikha ng imahe, ito ang inspirasyon sa pagbuo ng eksibisyon nila Chill at Piss.
(What makes up a picture? The images that steal every opportunity that may never again be repeated, the memories and stories that are imprisoned along with the light that cameras sip. Each picture has inherent power, it may come from the viewer or the creator of the image, this is the inspiration that created the exhibition of Chill and Piss.)
Ang konsepto ng show ay umiikot sa pag capture ng mga imahe gamit ang camera at ang proseso ng pagiging saksi ng mga artist sa pagbuo ng bawat litrato at obra, ang tanging patakaran nila Chill at Piss ay ang paggalugod ng posibleng ebolusyon ng mga imahe na nagmula sa mga larawan o ang pag recreate ng proseso ng pagbuo ng imahe, kabilang na dito ang paggunita ng bawat alaala, pakiramdam at kwento na naloloob sa bawat photo. Sa ganitong paraan ay naibabalot nang karagdagang layer ang bawat piyesa upang lalong mapangalagahan, maikalat pa, at mabigyan ng bagong kahulugan ang imahe sa pamamagitan ng pag exhibit nito, sa ganoong paraan ay nabibigyang diin ang mas importante at yun ay ang proseso ng pag likha na nagbibigay ng koneksyon sa artist at sa kaniyang trabaho.
(The concept of the show revolves around the capturing of images with the camera and the artists being witnesses to process of developing each picture and masterpiece, the only rules between Chill and Piss is the exploration of possible evolution of the images that came from the camera captured images or to recreate the process of image formation, including the visualization of each memory, mood and story in each photo. In this way an additional layer covers each pieces to further preserve, spread further, and give a new meaning to the image by its exhibit, this way what is important is given emphasis and that is the process of creation that provides a connection to the artist and his work.)
Si Chill ay kumuha ng random na mga litrato mula sa mga routine na pangyayari sa kaniyang paligid at kaniyang iniulit ang mga ito sa pamamagitan ng pag pinta at pag guhit upang mabigyan ng panibagong kahulugan ang mga sandalig nabihag ng kaniyang mga larawan. Ang proseso naman ni Piss ay nagsimula sa mga vandal sa pader, na maaaring maihalintulad sa pag ihi ng aso upang maangkin ang kaniyang teritoryo, kanya itong kinuhanan ng litrato bilang documentation ng gawa na hindi permanente at ipininta nya ulit kasama ang kaniyang character na nagpapahiwatig ng kaniyang pakiramdam habang naaalala niya ang pagbuo ng unang imahe. Ang mga bagong produkto ng kanilang mga proseso ay nagsisilbi rin na anino ng mga pangyayari na kanilang nasaksihan sa kabilang bahagi ng mga imahe.
(Chill has take random photos from his usual routine events around him and he recreated these photos through painting and drawing to give a new meaning to his captured images. Piss' process on the other hand started from vandals on walls, which can be compared to a dog urinating on something to mark it's territory, Piss then photographs the wall as documentation of his works that are not permanent, he then paints it again along with his character that indicates his feeling as he remembers the creation of the first image. The new products of their process also serves as shadows of the events they witnessed in the other parts of the image.)
Si Chill at Piss ay parehong graffiti artist, pintor at illustrator na patuloy na negrerecreate ng sarili nilang imahe sa pamamagitan ng pag gawa ng gusto nilang gawin na walang pretensyon at walang halong shit.
(Chill and Piss are both graffiti artist, painters and illustrators who continue to recreate their own image through creating what they want without pretension and without shit mixed in.)
Written by Bjorn Calleja