Ang kamay ng tao ay isang nakakamanghang produkto ng ebolusyon. Hango ito sa disenyo ng mga kamay ng sinaunang vertebrates, ngunit ng dahil sa ebolusyon ay nagkaroon ng mga espesyal nakaibahan, katulad ng opposable thumb na nagbibigay sa tao ng kakayahang humawak, kumuha, kumalabit.
Ang paggamit ni BLIC ng kamay ng tao sa kanyang mga likhang sining ay marahil dahilan din ng ebolusyon ng kanyang artistic consciousness na nabuo sa pagpipinta sa kalye at sa araw-araw na pakikisalamuha. Galing sa mga Taong Uwak at Taong Ibon na paste-ups noong simula ng kanyang buhay street artist ay tumungo siya sa pagpinta ng mga putol na kamay na kaniyang ibinihis sa mga nakakalimutang sulok ng kalye.
Kalaunan ito’y kaniyang pinagbuklod-buklod para magpormang tao at binigyan ngh ininga
at muwang.
Hindi maikakaila na sa mga gawang ito ay binigyan ni BLIC ng bagong anyo ang isa sa pinakapamilyar at pinakaimportanteng parte ng katawan ng tao. Ang ating mga kamay ay ginawa niyang mukha at nilikha niyang may iba’t-ibang katauhan.
May Kamay na bukas-palad. May Kamay na nakaturo. May Kamay na nakatikom. May Kamay na lumilipad.
Ang mga Kamay na ito ay hindi lamang gumagalaw at gumagawa kundi’y nangungusap din.
Sa paggawa ni BLIC ng mga sari-saring Kamay ay hinubog niyang paunti-unti ang isang mundo ng mga Kamay, na pinaninirahan ng mga Kamayao (Kamay na tao) at Kamayop (Kamay na hayop).
Sa unang exhibit ng HUMANDS Trilogy ay ipanarada niya ang mga likhang Kamayao. Sa pagkakataong ito, sa ikalawang installment ng Humands Trilogy ay masasaksihan ang nilalang hayop ng mundong Kamay. Ang mga Kamayop ay may katawang hayop at mukhang Kamay. Kung paano sila namumuhay ay masasaksihan sa mga canvas na pawang tipak na bato.
Ito ngay tipak lang sa mundong binubuo ni BLIC, ngunit isang importanteng tipak sa kabuohan katulad ng mga kamay sa katawan.
Sulyapan at suriin niyo! APIR!
AC
Streetkonect